Apat na Taon sa UP
Tuesday, May 6th, 2008Babala: Mahaba haba ito. Kung tamad, lagpasan at huwag nang pag tuunan ng pansin.
Natutunan kong
1) If there’s a will, there’s a way.
Gagawin
at gagawin mo lahat para sa isang bagay. Kung kailangang igapang,
gagapangin mo. Kung kailangang magdugo ang ilong, paduduguin mo. Basta
maabot lang ang nag iisang goal–magsurvive sa bahay ni kuya (UP). Dito
ko narinig ang mga salitang, "Kaya iyan. May paraan. Tanungin natin si
ganito o kaya si ganiyan.." "Sinong mataas magbigay ng grades?" "Eh
iyong madaling pakiusapan na prof?" Lahat ng resourceful and creative
juices mo, maeextract. Pati PR mo maeenhanced. Sa larangan ng pag-ibig
naman, dito ko narinig ang advice na, "Grab him or leave him!" at ang
tanong ko, "Grab him? Paano?" at ang sagot, "Eh di sa baba!" Comedy!
2) Patience is a virtue.
Dito
ko naranasan ang pila papuntang impiyerno o langit. Pipila ka lang
naman ng pagkahaba haba. Mga ilang milyong taon ka nakapila. Nakilala
at nakadaldal mo na lahat o hindi kaya’y naiisip mo na lahat ng
problema ng mundo, hindi pa abot sa dulo. Hindi mo malaman kung patungo
sa impiyerno (biglang magsasara kapag ikaw na ang susunod at babalik ka
na lang kinabukasan) o langit (tapos na ang misyon mo).
3) Cursing is the way to relieve stress.
Unang
pasok ko, lahat yata ng naririnig ko, "Putang Ina!" na nag-evolve sa
"PI!" "Pucha" at ngayon "Potah!". Mayroon pang, "Shit" na nag-evolve sa
"Siyet" "Sheesh!" "Siyete!" at ngayon "Tae!" Marami pang mura eh. Kapag
bumagsak ka, murahin mo lang ng murahin ang prof. Isunod mo ang subject
na walang kamalay malay. Tapos kung ano at sino pa na maisip mong may
kasalanan, huwag lang sarili mo.
4) Laughing is the best medicine.
May
nadulas, tawa tawa. May natapilok, tawa tawa. May joke o punchline,
tawa tawa. May bumagsak sa exam, tawa tawa. May bumagsak sa subject,
tawa tawa. May prof na nagkasakit at umabsent, tawa tawa. May
napagalitan, tawa tawa. Itawa mo lang lahat. Hindi mo naman ikakabaliw.
Ikakaalis lang ng napipintong kabaliwan.
5) Budget your time wisely.
Kung
halimaw ka, dapat lahat ng requirements gawin na lahat para matapos na,
tsaka maglamyerda at magpakasaya. Kung ordinaryong estudyante ka,
petiks lang. Chillax. Yosi, inom. Chikahan. Chibogan. Bugbugan. Kahit
anong may an. Tapos mga ilang oras bago ang pasahan, sige mapupudpod
ang keyboard sa bilis ng pagtatayp mo. Mapupunit ang aklat sa bilis ng
paglipat mo ng pahina. Mababasura ang mga readings sa galit mo dahil
hindi mo na maipasok sa kukote mo. Iyan ang tinatawag nating cramming. Hobby ng isang ordinaryong estudyante.
6) No guts, no glory.
Kapalan
ng mukha, tsong! "Hoy, pagawa naman ito oh." "Ma’am, (sabay pa-cute
kung lalake ka at single ang prof) nakalimutan ko po iyong paper ko eh.
Pwedeng bukas ko na lang ipasa? Sige na ma’am.." Dito mo maririnig ang,
"Nagbasa ka ba?" "Hindi po sir." "Get out!" Pwede ka namang
magsinungaling. Madali lang naman ang pinabasa. May dagdag pa. "Hi Sir!
(sabay papungay ng mga mata kung babae ka kahit pangit ang prof) Ano
pong lalabas sa exam bukas?" Nagtetext ka sa mismong harapan ng prof
pero nakatingin ka sa kanya. Paano bang hindi eh memorize mo na keypad
sa daming beses mo ng ginawa iyon. May comment pang ganito, "Sir,
nakabukas zipper niyo." Habang nagtuturo ang prof. May estudyante pang
tulog na tulog. Iyong tipong ilang beses na yatang nauntog ang ulo sa
arm chair. Biglang tinawag ng prof. Nakasagot naman. Matalinong
antuking bata. May isa pang estudyanteng, every 10 minutes lumalabas
para mag CR. Siguro, bored. Sinabihan tuloy ng prof, "Control the demon
inside!" Hahaha! Marami rami pa eh. Nakalimutan ko na iyong mga
kakapalan ng mukha. Sabihan niyo ako kung mayroon kayong naisip.
Idagdag natin.
7) Perseverance pays off.
Dapat
ilang beses mong kulitin iyong prof na ienlist ka sa kaniyang klase.
Iyong hindi mo na siya linulubayan kahit saan siya pumunta. Isabay mo
pa ang nakakarinding, "Sige na sir.." o "Sige na maam.." Paulit ulit
dapat. Parang sirang plaka. At magnobena ka ng mahaba habang rason kung
bakit ka kailangang ienlist. Kung kaya mo pa, umiyak ka sa harapan
niya. Iyong maluha luha na. Kulang na lang punitin mo damit mo sa
desperasyon. At pagkatapos, kadalasan, makukulitan ang prof. Tanggap ka
na tsong! Congrats! You’re a good actor/actress! Pwede ka na ring mag enlist sa theater subject!
Walking is not just a PE subject, it is a must.
Kung
late ka dinismiss ng prof mo at malayo layo pa ang susunod mong
building at may exam ka pa doon. Huwag mag atubili. Huwag maghintay ng
ikot o toki. Lakad na. Mabilisang lakad. Iyong tipong walking na PE.
May hinahabol kang oras sa paglakad ng ilang kilometro. Hayaan ang
tumutulong pawis. Kahit na lumilipad ang buhok at mukha ka ng aswang,
ayos lang. Ang importante, makarating ka sa classroom niyo at makakuha
ng exam.
9) All-nighter is the best policy.
Matututunan
mong magpuyat o magdamag na nakatunganga sa mga letra at/o numerong
hindi mo rin masasaulo o maiintindihan. Gising ka buong gabi. Nocturnal
na nocturnal ang dating. Matatapos mo naman ang mga papel at pag-aaral.
Pero maglalakad kang zombie. Dilat na dilat ang nangingitim mo ng mga
mata. Sabog ang buhok. Bangag na istura. At puro, "ano?" at "ha?" ka sa
mga tao. Hindi bale, napasa mo naman ang papel mo at nakakuha ka naman
ng pagsusulit. Ayos na iyon.
Pero,
seryoso, dito ko natutunan kung paano tumayo sa sariling paa at
manindigan sa pinaniniwalaan. Hindi ako tinuruan ng UP na maging
agresibo at rebelde. Tinuruan niya lang akong maging kritikal sa lahat
lahat ng aking nakikita, naririnig, nararamdaman at nababalitaan.
Tinuruan niya akong mag analisa ng malaliman at gumawa ng sariling
opinyon hinggil sa isang bagay.
Dito
ko natutunan ang pagmamahal. Pagmamahal sa bansa. Pagmamahal sa puntong
kaya mong ibuwis ang buhay mo para dito. Pagmamahal sa pamilya. Respeto
sa magulang at lubusang pag intindi sa mga ito. Tiyaga sa mga kapatid
at pakikibagay. Pagmamahal sa mga kaibigan. Kaibigang kasama mo sa
putang ina, sa leche, sa tae, sa saya, sa tawa, sa iyak, sa kasawian,
sa galit… hanggang makakaya. Pagmamahal sa kapwa estudyante. Mga
estudyanteng walang pera ngunit pinipilit makapagtapos sa pag aaral.
May nakilala ako noong first year ako. Linalakad niya ang Mindanao Ave
hanggang UP makapasok lang siya. Pagmamahal sa ginagawa, sa mga bagay,
hayop, halaman. Oops, seryoso pala. Dito ako natutong magmahal na
walang nakakabit na pantasya at kung anumang romantikong nosyon.Dito
ako nagmahal ng walang hinihinging kapalit. Dito ako nagmahal ng
lubusan. Pagmamahal na hindi kailanman nasuklian.
Dito
ko natutunan ang pagdala sa sariling problema at ang puno ng pag-asang
tingin sa hinaharap. Kung may problema ka, harapin ito. Huwag
talikuran, iwasan o isantabi kasi problema pa rin siya kung ganoon.
Huwag ding tadyakan at sisihin ang sariling nakalugmok na sa putik.
Dapat itayo ang sarili, harapin ang problema, gawan ng paraan at itawa
pagkatapos.
Dito
ko natutunan ang pagbibigay. Pagbibigay saya, pagbibigay pagkain,
pagbibigay payo, pagbibigay pera, pagbibigay pagmamahal… Pagbabahagi ng
kung anong mayroon ka at wala siya.
Dito
ko natutunan na hindi lahat ay kaibigan ko. Na may mga taong dapat
pagkatiwalaan at hindi pagkatiwalaan. Na may mga taong gagamitin ka at
mga taong handang magpagamit sa’yo. Pero dito ko rin natutunan kung
paano magpatawad. Magpatawad kahit gaano kasama ang nagawa sa’yo.
Magpatawad kahit linapastangan ang pagkatao mo.
Dito
ko natutunang tignan at pahalagahan ang kagandahan ng loob ng sinumang
tao. Hindi ibig sabihin na iba siya sa’yo, sa pinaniniwalaan mo, eh
mali na siya. May depekto, may problema. Iba’t iba talaga ang mga tao
pero iisa lang ang kailangan–respeto. Respeto sa kung anumang
sasabihin, papaniwalaan at ipaglalaban.
Dito
ko natutunan ang salitang kasiyahan. Pagkatapos ng problema, magsaya.
Pagkatapos ng kasawian, tumawa. Pagkatapos ng kalungkutan, ngumiti.
Dito
ko natutunang magtimpi ng galit. Irespeto at huwag sigawan ang tao at
murahin dahil sa matinding galit. Ang mabuting paraan ay tumahimik at
kausapin ang sarili. Ayusin ito.
Dito ko natutunan kung paano magtiyaga. Magtiyaga. Alam niyo na iyon.
Dito
ko natutunang maging bata ulit. Tumakbo at sumayaw sa ulan. Humiyaw
habang nakasakay sa kotse. Tumawa ng malakas na malakas. Kumanta ng
makulay ang buhay. Ngumiti ng pagkalaki laki. Matuwa sa kendi at
tsokolate. Magparty sa McDo kasama ang mga mascot. Magpuppet show.
Makipag agawan ng mapagtripan at tumawa pagkatapos. Sulatan ang kamay
ng katabi at magkunwaring nakikinig sa prof. Itago ang gamit ng kaklase
at hayaang mabaliw at maiyak siya ng isang oras bago umamin. Pilya.
Loka loka. Hahaha!
Dito
ko natutunang uminom gabi-gabi at magyosi minsan. Umabsent ng isang
buwan at hindi mag exam. Takbuhan ang prof na naghahabol sa’yo makapasa
ka lang. Ngunit, dito ko rin natutunan kung paano magbago. Mag-aral ng
mabuti. Maging mabait na estudyante, anak, kapatid, kaibigan,
kasintahan… Dito ako natutong magtino ulit.
Dito
ko nakilala ang mga totoong kaibigan, mga maimpluwensiyang propesor,
mga leksyon na dadalhin ko pagtanda ko at ipapasa sa mga anak ko…
Dito ko nakilala ang aking sarili.
Salamat UP!
**Maraming
nagbago sa akin sa apat na taong iyon. Maraming marami. Magugulat na
lamang kayo kapag nagkayayaan tayong lumabas at magsasama magdamag,
ibang ibang ako ang masisilayan, mapapakinggan, at kung ano pa ninyo.
Tara! Magpakilala tayo ulit sa isa’t isa! *wink, wink*