Lost Love
Tuesday, October 23rd, 2007Reawakening a lost love can be an incendiary experience, intensely passionate and dangerous to trifle with.
Think hard before doing it.
Reawakening a lost love can be an incendiary experience, intensely passionate and dangerous to trifle with.
Think hard before doing it.
Susulatan kita kasi alam ko na ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Natatandaan mo iyong pagpapahinto ko sa’yong gumawa noon kasi sinisira ka niya? Ginawa ko kanina lang. Wala naman. Buo pa naman ako. Walang masamang epekto. Hindi din ako nasira. Ako pa rin naman ito.
Pero nararamdaman ko iyong binabanggit mo. Nararamdaman ko ngayon iyong naramdaman mo. Gusto kong sabihing galit ako pero hindi ko maapuhap ang galit sa loob. Wala ni katiting. Wala akong mapagkukuhanan ng lakas na lumaban sa kanila. Doon siguro tayo nagkaiba. Gusto mong lumaban, maghiganti. Gusto kung lumayo, humiwalay.
Pero alam mo, alam ko. Alam ko na kung gaano kasakit. Kulang itong salitang ito eh. Para bang pinaghalo ang sakit, lungkot, at kabiguan. Parang hindi mo mailarawan. Hindi mo masabi dahil magkukulang ito. Magkukulang.
Ngayon, naiintindihan na kita ng lubusan. Alam na alam ko na. Alam ko na kung bakit ayaw mo nang gawin iyon sa hinaharap. Naiintindihan ko.
**Bumalik sa isip ko iyong pag uusap natin kanina. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin iyong mga sinabi ko sa’yo kanina. Para kasing ang isang salita eh kaya kang pabangisin o kaya nama’y pahinain. Hindi ko mawari kanina kung paano magsisimula. Pero nagawa ko. Nakapag-usap tayo. Sa dami ng ating pag-uusap, doon ako nag-isip ng malalim na malalim. Napaisip ako. Napagtanto ko, parehas tayo. Parehas na parehas.
Monster. A monster is usually found in children’s storybooks. It is drawn in a grotesque manner. Strange. Disturbing. It is also used by adults to scare children, to threaten them. Because of this, monster is believed to be a fantasy. It is a pigment of one’s imagination, especially of children’s. It doesn’t exist. It’s not real.
However, a monster can be disguised in an angelic face that you will adore and love. It can be a gentleman that will take you to places that you’ll never dare to leave. It can be real.