Archive for September, 2007

Mind Power Freak

Friday, September 21st, 2007

I just watched the documentary film, The Secret. I immediately remembered the book I read years ago. It was about the power of the subconscious mind. They have the same idea. Just a different way of explaining the process.

Looking at these two, we can say that they were out to sell. Become famous. Start a new idea. However, I believe that what they’re saying is true given that you really know how to do that right and be patient enough to wait for it to happen. It isn’t that simple and that fast. It takes years to master the art and it takes more years for what you thought of to happen.

I’m sleepy. Don’t want to continue this anymore. :p Basta, I’m a living proof to this.

Telenobela

Friday, September 14th, 2007

Tinanong niya ako, "Bakit?"

Sumagot ako, "Siguro dumating sa puntong hindi na maipagkakaila ng kaniyang ginagawa ang kaniyang ibinubulong sa iba. Masakit iyon. Malubhang malubha. Parang mga domino lahat iyong simula hanggang dulo eh. Pinaghirapan naming, kong itinayo. Isa-isa. Ang dami niyang ginawa– pinaypayan, hinipan, ginalaw ang kinalalagyan nito… Pero pinagsikapan kong patayuin silang lahat. Pinaghirapan ko. Iyon lang ang makakapagpatumba sa kahit isa sa kanila eh. Iyon lang. Nakarating sa akin. Tuluyan nang gumuho ang lahat ng domino. AT ayaw ko nang itayo muli isa-isa ang mga ito."

Nagtanong siya ulit, "Galit ka?"

Sabi ko, "Hindi. Maraming naidagdag sa loob pero hindi kabilang ang galit. Kirot at takot. Kirot sa tahasang pamamahiya at pagtakwil. Takot sa pagtataboy at pagkakaila muli sa akin. Takot na ako na nama’y maging dahilan ng kaniyang pagkayamot at pagkabagot."

Huling tanong niya, "Seryoso ka?"

Tinapos ko ang pag-uusap, "Ano sa tingin mo?"

Magulong Pakikipag-usap

Thursday, September 13th, 2007

Matagal tagal na rin noong huli akong nagsulat dito.


Idealism. Ilang beses ko na rin sigurong pinag-nilay nilayan
itong salitang ito. Ayaw na ayaw ito ng mga “matatanda” eh. Lagi mong
maririnig, “Masiyado kang idealistic.” Sabay ismid. Unang naisip ko noon,
ginagawang rason na lang ng ibang tao ang pagiging idealistic ng isang konsepto
o tao. Hindi kwestiyon ng abilidad na gawin o isagawa ang isang bagay kundi
kwestiyon ito ng kagustuhang gawin ang bagay na yaon. Tignan natin ang isang
ina. Ideyal daw para sa taong may mataas na katungkulan kapag ganito ang
scenario. [Gigising ng maaga para magluto. Kumain kasama ang pamilya. Paliguan
at bihisan ang mga bata. Maghanda
para sa pagpasok sa trabaho. Ihatid ang mga bata. Pumasok sa trabaho. Sunduin
ang mga bata. Magluto. Mananghalian kasama ang mga bata. Ihatid ang mga bata sa
paaralan. Pumasok ulit sa trabaho. Sunduin ang mga anak. Magluto para sa
hapunan. Maghapunan. Maghugas ng pinggan.
Magbasa ng kwento sa mga anak.
Magdasal kasama ang anak at asawa. Tumabi sa asawa sa kama.
Pag-usapan ang mga makabuluhang bagay tungkol sa bahay, mga bata at kani
kanilang trabaho.] Masiyado daw idealistic. Kung practical ka daw, dapat kumuha
ka ng katulong at ipagawa lahat ng bagay sa kanya. Kung akong tatanungin,
napakaimpractical noon. Una, lalaki ang mga anak mo sa poder ng iyong katulong.
Anong implikasyon noon? Malamang, kung anong kaugalian at paniniwala ng
katulong, iyon ang maililipat sa anak. Isa pa, mas mapapalapit ang loob ng anak
sa katulong. Pangalawa, maaaring magkaroon ng mga resultang hindi niyo
magugustuhan ang kagawiang ito. Masiyado siyang mahaba at komplikado para
ipaliwanag ko dito. Hindi nga ba’t ayaw lang gawin ng mga tao iyon kaya
sinasabi na lang na ideyal ito at hindi praktical?

Tignan naman natin ang hierarchy ni Maslow. Ang pinamataas
daw ay ang self-actualization. Sabi ng ibang tao, “Mahirap iyan abutin.
Masiyadong ideal!” Kung ganoon, bakit maraming tao ang may kayang abutin ito.
Kung nakaya nila, bakit hindi natin makaya? Hindi nga ba natin talaga kaya o
ayaw lang nating abutin? 

____________________________

 

Umiinog ang ibig sabihin ng katotohanan, idealism, practicality.
Ang pagpapakahulugan natin sa mga ito ay iniimpluwensiyahan ng mga malalaking
institusyon na naglalagay sa atin sa loob ng kahon. Tayo’y hinuhulma sa kung
anong gusto nilang mangyari, madalas para sa pansarili nilang interes. Hindi
naman natin maikakaila na ang basehan ng katotohanan ay siyensa. Kung hindi
para sa lahat, para sa nakakarami. Dahil ganoon ang takbo ng mundo, may mga dalubhasa
sa siyensa na binabayaran para lang makapaglabas ng isang pag-aaral na
magbebenta ng produkto ng isang kompanya. Hindi ako basta basta nagbibitaw ng salita. Totoong nangyayari ito. Halimbawa
na lamang ang pag-uulit ng mineral water bottles. Gulong gulo na ang mga tao. Masama
nga ba sa kalusugan kapag inulit ang mineral bottle? Ay hindi daw pala ganoon.
Kapag pinakulo daw pala. At marami pang sumulpot na kasabihan tungkol dito. May ikinagulat pa akong balita, mayroon na palang mabuting naidudulot ang nicotine sa katawan kaya ayos na daw manigarilyo. Ginagawa nga lang ba ito para
makabenta ng marami o dahil talagang makatotohanan siya?

Kung hindi naman siyensa ang ginagamit, inaatake naman ang ibang bagay. Halimbawa na lamang ang paninigarilyo. Cool daw ito. Masarap daw. Maraming pang sinasabi na nakakahalina at tuloy, gusto mo nang subukan. Siyempre, dahil na "pre-condition" ka na na ganoon ang epekto nito, kahit hindi ganoon ang epekto sa’yo, matatagpuan mo na lamang ang sarili mong umuusal, "Onga! Masarap nga!" Kapag may sakit ka naman sa baga, sasabihin ng mga naninigarilyo, "Ako rin naman ah. May hika ako dati. Iyong kaibigan ko may sakit sa puso. Wala namang nangyari sa aming masama. Mas mabuti nga kasi hindi na kami inaatake ng sakit namin." Sabay tawa at dobleng paghihikayat sa’yong manigarilyo. Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Hindi ba nila alam ang kondisyon ng baga nila? Hindi ba nila alam na laspag na baga nila at hindi pa nila nararamdaman ang epekto nito dahil bata pa sila? Alam nga ba nila ang pinapasok nila? Aware AT conscious ba sila o aware LANG?


Idealism
at practicality. Ang paggamit ng mga salitang ito ay umaayon sa pinapahalagahan
ng mga tao… Walang pangkalawakang  pagpapakuhulugan dito.

Minsan, nakakatakot na kasi pinaglalaruan na ng mga tao ang
mga salita. Ang obsessed na isang termino sa sikolohiya ay ginagamit sa
pang-araw araw na pakikipag-usap. Adik. Toxic. Marami ng pumapahimpapawid na
mga ganitong salita. Hindi kaya’t hindi malaon ay tawagin na nating bahay ang
pagkain?

_____________________________

May gusto pa akong sabihin tungkol sa giyera bilang isang
negosyo pero huwag na muna. Kaninang
umaga pa ako nasa harapan ng kumpyuter. Masakit na mata at ulo ko. Kailangan ko
na ring magluto.
Sa susunod na lang. :)