First Day of This Week
I woke up late but fortunately, I was early for my Geology
class. Whew! Anyway, on my way to UP, I rode a jeepney driven by a reckless
twenty-ish man. He hit the brakes every so often and all of the passengers
produced this jerking motion every now and then. I was used to it, so I just
held tight on the iron bar beside me. When the jeepney was somewhere along Quezon Avenue (near
PCMC), an old man sitting on my left blurted out, “Hoy, isipin mo naman ang mga
pasahero mo. Para kaming baboy sa ginagawa mo
eh.” The driver replied, “Humawak po kasi kayo.” The old man cursed and
continued lecturing the driver on the right way of driving, saying unpleasant
and “below the belt words”. The driver fell silent but the old man continued
talking for minutes. The driver, who was pissed off (I assumed), got some coins
and handed it to the old man. “Baba na lang po kayo.” The old man took it
roughly and said, “Putang ina mo!” He went out of the jeep.
>>May punto naman iyong matanda sa pagsasabi noon. Tama
siya, dapat isinaalang alang talaga ng tsuper ang kanyang mga pasahero. Pero
nasobrahan naman yata niya ang pagpapaalala sa tsuper. Sapat na ang pagsabihan
ang isang tao sa maayos na paraan. Dapat nakiusap siya. Hindi dapat siya nagbitiw
ng mga mapangkutyang salita at nagmura ng walang pakundangan. Nagulat ako na
nanggaling iyon sa matanda. Mas malala pa doon, matandang lalake. *buntong
hininga*
May isa din akong hinaing dito eh. Gusto kong idagdag ang
mga nagyoyosi na tsuper at pasahero sa loob ng jeep. Sana isipin nila iyong mga taong nakasakay. Kung
alam na nila na masama iyon sa kalusugan, sana huwag silang mandamay ng ibang tao. Tsaka kung sasabihin nila na marumi na ang
hangin na linalanghap ng tao tuwing babiyahe, sana huwag na nilang dagdagan iyon ng
nicotine. Pangarap kong pagbawalan ito at magtayo ng mga lugar kung saan doon
lang magyosi ang mga tao kahit sa Metro Manila lang. Seryoso ako. Hindi maganda eh. *buntong hininga*
Panghuli, may mga tsuper kasi na kadalasang nagtatanong kung
may bababang pasahero sa isang lugar bago pa marating iyon ng jeep. Sa
pagkakaalam ko, ginagawa nila iyon para maipwesto nila ng maayos iyong sasakyan
at maihinto sa lugar na iyon. Karamihan ng mga pasaherong nakakasabay ko ay
hindi umiimik kahit bababa sa lugar na iyon. Bigla na lamang papara kapag
alanganin na ang posisyon ng jeep sa kalye. *buntong hininga* nakakapagod din
ang trabaho ng isang tsuper. Sana pagaanin na ng mga pasahero sa simpleng pagsabi lang ng, “Mayroon po.” Kung gagawin lang talaga ng mga tao ang mga kapwa responibilidad
at tulungan ang isa’t isa, mababawasan ang problema ng mundo…
I was home around 7pm and I have to rush to the nearest PNB
to do what my mom asked me to. Low and behold, the nearest PNB was not near at
all! I walked briskly for 20 minutes going there and another 20 going back. Whew!
On my way back, there was this Victory Liner bus along a certain street
perpendicular Espana and a passenger jeep along Espana. They weren’t moving. Or
at least, I thought the bus wasn’t. That’s why I walked between them. Too late
for me to realize that the bus was moving towards the jeepney and I was trapped
between them. There was no space between them but me. I was literally squeezed
in between them. Surprisingly, I wasn’t horrified or worried. I just raised my
right hand and made that stop sign infront of the driver. He blew the bus’ horn
and stopped the bus. Suddenly, I remembered Macoy. “Kung kasama mo si MM, dapat
handa kang mamatay anytime.” Yeah, true! LOL Oh, except for guns. I run away
from them. Always. They terrify me with great intensity.
These transpo-related incidents started my week. Well, aside
from the mentally draining acads and physically draining long journey and
household chores… I’m happy though. Smile! Smile! What the world needs now is
love…. Lalalalalala…Love.