Ang bilis ng araw! Biyernes na naman bukas! Grabe, dapat noong Monday pa ako nagpalaundry pero ngayon ko lang naalala. Dapat three days ago pa ako nagreply kay mommy ngunit kanina ko lang nagawa. Dapat noong Sunday ko pa binasa iyong reading on interpersonal relationships ngunit hindi ko pa natatapos hanggang ngayon. Sabog na sabog na talaga ako. Nakabasag ng isang mamahaling bowl. Ilang beses nang nagka-hematoma dahil ilang beses nang nabundol. Para akong naglalakad na zombie. Kulang sa tulog at nawawala sa sarili. "Huh?" Ganito pala ang nararamdaman kapag maraming iniisip. Magrereport na ako sa CTRA sa Tues. Hay naku, wish ko lang talaga makapagdemo ako ng maayos since silhouette art ang aking report. Kumusta naman ang demonstration ng silhouette art bandang alas nueve ng umaga! Nasaan ang silhouette, aber? Well, kailangan ko nga talagang kumuha ng malalaking tela na maitim para takpan ang mga higanteng bintana sa classroom. At saan kaya ako makakahagilap ng ganoon?! Hay naku, hindi ko pa nga nasisimulan ang "creative daw"na hand-out. Actually, wala pa akong nagagawang eye-catching na visual aid. Tapos hindi ko pa tapos na gawan ng abstract ang scientific journal on cross cultural family studies. Ano ba yan? "It sucks to be me. It sucks to be me. Lalalala…"
Kailangan ko pang samahan si love sa NCPAG para magset ng appointment with a professor na iinterbyuhin nila ng mga classmates niya. Kailangan ko pang kausapin ng matino ang mga kaibigan para ayusin ang isang gulo na lumalala. Kailangan ko pang bigyang liwanag ang isipan ng dalawang kaibigan na malapit nang gumawa ng masama dahil sa galit.
Halata bang marami na akong iniisip? Ang tagal ko nang hindi na-update ang blog ko eh!
Tinatakbuhan na ako ng mga araw. Ako na ang naghahabol. Kulang na ang beinte kwatro oras para sa isang araw. Mga araw, hintay! Hintay! Hintayin niyo ako! Saglit lang…hingi lang ako…hingi lang ako ng…ng yakap. "Payakap mga kaibigan…" 3=/(T.T)\=E