Archive for July, 2006

Ano Ba Talaga? Ha?

Saturday, July 29th, 2006

Inis. Gulo. Yamot. Duda. Banas. Sakit. Sisi. Lungkot. Tagumpay. Wala na yatang salitang angkop sa aking nararamdaman ngayon. Bigla kong naisip ang pagod pero napagtanto kong dapat wala nang matinding emosyon na nararamdaman ang nasa ganoong estado. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam…

Mag-uusap. Matino. Hindi eh. Walang patutunguhan. Tulad noon. Walang pag-asa. Mayroon. Maniwala ka. Iba na ngayon. Hindi eh. May mga bagay na hindi nababago. Mayroon sabi eh. Magtiwala ka. Ayoko na. Takot na ako. Hindi ka naman natakot noon ah. Ilang beses kang nagpaka-Gabriela Silang. Kinaya mo lahat. Nasaan na? Wala na. Naglaho. Ayoko na nga eh. Gusto ko. Mahal ko siya. Hindi dapat eh. Mali. Hindi siya masaya. Sigurado ako. Hindi. Pero oo. Tama ako. Hindi. Kaya ako umalis dahil doon. Naintindihan ba niya? Oo. Hindi. Oo. Hindi siya makapaniwalang kaya kong gawin iyon. Hindi. Naguguluhan siya. Hindi. Hindi niya pagtutuunan iyon ng pansin. Hindi ako importante. Importante ka aminin man niya o hindi. Hindi sabi eh. Huwag mo akong guluhin. Napaniwala ko na ang sarili ko. Hindi pa lubusan. Huwag mong lokohin ang sarili mo. Sabi ko tama na eh. Ayos na ako. Naguguluhan ka pa rin. Hindi nga eh. Marami akong pinagkakaabalahan. Hindi ko na siya naiisip. Ow? Paano kapag bakante ka? Tulad kagabi. Wala na. Mayroon iyan. Huwag mong itago. Huwag mong takasan. Ayoko na. Napapagod na ako. Pinapagod mo ang sarili mo. Ngunit. Sa ibang bagay. Hindi ito. Aral dito, aral doon. Magpahinga ka naman. Gusto kong abalahin ang aking sarili. Para makalimot ka? Hindi eh. Mali. Nakakatulong iyon. May tinatahak na ako. Hindi na ako nakatanga sa gitna. Pero hindi ka masaya. Masaya ako. Masayang masaya. Bahala ka. Akala ko mahilig kang mag-isip ng malalim. Mukhang ang babaw mo ngayon ah. Hindi ah. Nag-isip ako. Rasyonal na pag-iisip. O, wala na iyong mga maka-espirituwal na bagay na sinasabi mo noon. At alam mo kung ano ka ngayon? Alam ko. Isang taong nag-iisip ng maayos at tama. Hindi lang nakakaramdam. Nag-iisip na rin. Ng tama. Hindi. Hungkag ka. Isang makinang kinokontrol ang sarili. Sayang. Nawawala na ang nilalang na naniniwala sa mga bagay na hindi realidad sa iba. Siguro katulad ka na rin ng mga sinikal na tao. Hindi naman. Wala ka na ngang inaasam na pag-asa. Mayroon parin. Sige, ipagpilitan mo lang. Ikaw naman ang nalilinlang. Hindi. Totoo lahat ng sinasabi ko. Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa pagkakakilala mo sa akin. Puwes, hindi ka kumbinsidong magsalita. Kilalang kilala kita eh. Kasama kita lagi. Kabahagi. Bahagi. Ng iyong kahapon. Kahapon na pinipilit mong kalimutan. Hindi. Hindi na kita kilala. Sabi na nga ba eh. Pinipilit mo akong burahin. Sige, magsalita ka lang. Makikinig lang ako. Hindi ako maniniwala sa’yo. Wala ka nang importansiya sa akin. Wala na. Sige, daldal!

Ang kapayapaan na magulo…

Sunday, July 23rd, 2006

Nakita mo siya…Nausal mo, "Wow! Wala na! At last, I’m free!" Masaya ka. Nasiyahan ng sobra. Nag-uumapaw. Iyong tipong hindi mo na mapagkasya sa kalooban mo. Ibinahagi mo sa iba. Natuwa sila. Napasaya mo sila. Masaya ka. Matagal na nilang hiningi iyon para sa’yo. At ngayon lang nila nasilayan ang totong kasiyahan sa iyong mga mata. Iyong sayang hindi idinudulot ng iisang tao lamang. Maayos na. 75% ka nang sigurado. 85%. 90%. Hinihintay mo nang maging 100% na sigurado ka. Pinagtiyagaan mo. Palagi mong pinapaalalahanan ang iyong sarili na darating iyon. Naniniwala ka. Malakas ang loob mo. Pati mga kaibigan mo naimpluwensiyahan na. Sigurado na ring makakaahon ka sa nakasadlakan mong putik (sa iba) pero langit (sa’yo). Hawak hawak mo ang sikolohiya. Mahigpit mong tinatangan. Alam mo at sigurado kang matutulungan ka niya.

NGUNIT…isang MALAKING NGUNIT!

May hangganan ang sikolohiya na ipinagmamayabang mo. May mga bagay na hindi mo maipaliwanag. Kahit kapwa mo ay hindi din kayang intindihin ito. Ang mga aklat ay nawalan ng saysay. Naguguluhan ka na naman. Ngunit pinaalalahanan mo ang iyong sarili. Wag mong abalahin ang sarili mo sa pag-iisip sa mga ganoong bagay. May prioridad ka. May kailangan kang unahin.

Mapayapa na naman. Ngunit magulo sa kaibuturan. Isinantabi mo ang kaguluhan pero mananatiling kaguluhan pa rin iyon. Sa loob mo na nga lamang. Minsan minsan lumalabas kapag pinili mong pansinin. Ngunit, sa ngayon, pansamantalang maayos, mapayapa…ang lahat.

“Birthday Thanks”

Thursday, July 13th, 2006

Oo, sinadya kong hindi i-display ang aking birthday sa friendster. Gusto ko lang malaman kung sino talaga ang nakakaalala sa birthday ko. In fairness, maraming marami! Mula 10pm hanggang 2am ang pagbati ng mga taong hindi ko inaasahan na babati sa akin. Iyong mga malalayo talaga at matagal ko nang hindi nakikita at nakakatext. Iyong mga hindi gaanong malapit sa akin pero kaibigan pa rin naman.

Paumanhin sa ibang bumati mula 12am hanggang 2am. May mga mensahe akong hindi natanggap tulad ng kay Jenny. Buti na lamang at bumati siya ulit at nagtanong kung natanggap ko iyong message niya at 12am. Paumanhin talaga kung hindi ako nakapagpasalamat sa mga taong nabanggit. No space kasi ng no space iyong phone ko. Natulog kasi ako around 1am, nagising ako 1:30am at nakita kong wala nang espasyo para sa bagong mensahe so nagbura ako ng mga texts. Paggising ko around 2am, no space na naman. Ganoon ng ganoon. Actually, hindi masiyadong maayos ang tulog ko pero ayos lang dahil napasaya naman ako ng mga bumati. Around 4:30am, nagsimula na namang tumunog ang phone ko (may tumawag, maraming nagtext) at dirediretso na iyon hanggang naghanda ako para sa 9am class ko. Hindi na ako natulog. Hahahaha

Sa umagang iyon, umiyak ako ng umiyak. Iyon bang tinatawag nilang tears of joy. Sobrang saya ko! Hindi ko talaga inaasahan ang mga taong bumati na babatiin nila ako. Hindi ko rin inakala na may mga ka-dramahan pala iyong mga iba. Nakakatouch iyong mga mensahe nila sprinkled with their own personal style. Sobrang ganda. Mapapaiyak ka talaga dahil sila’y nagdudulot ng saya. Sayang bubukal sa kaibuturan ng iyong pagkatao.

Dapat may kadugtong pa iyang nasa taas pero ewan ko ba at dalawang beses nabura dahil sa mga hindi makontrol na kaganapan so napagdesisyonan kong huwag na lang ilagay. Baka hindi naman DAPAT mailagay. Magpapasalamat lang ako sa mga taong naging bahagi na aking ika-19 na kaarawan….

                                          

a “TWALK” that freed me…

Saturday, July 8th, 2006

I always find answers to my questions and problems when I talk about them with other people….

It has become a habit for love and me to jog at Ateneo and talk about everything (as in EVERYTHING!). I guess, tonight’s the most special "TWALK" we ever had.

As usual, love started the talk with uh-uhmmmm (secrets)…and I chimed in with my conflicting thoughts and almost incomprehensible "theories". (ironic!) We shared ideas and "theories", even what our instincts tell us.

I talked. I talked and talked. I asked. I asked a lot of questions. I was confused. I ran in circles. Which one is? Huh? What?

Suddenly, it dawned on me that every thing’s falling into place.

*I’m now looking at my family in a better way. I’m loving them more than I’ve ‘loved’ them. I’m starting to make up for the lost times. I’m spending more time with them. I text them a lot though I’m not registered in the unlimited texting promo. I’m already socializing with relatives, talking to them as if I’ve been with them for a long time. I’m bringing myself closer to them. I’m getting to know them better. And I’m ‘loving’ them already.

*I’ve already talked with my mommy regarding my career plans. I thought she would disagree strongly, but she didn’t. She encouraged me to strive harder and endure the pains. She told me it’s better for me to suffer now than to suffer later (having no work or having a very low salary). That left me so determined to pursue my plans and go with it no matter how hard it is.

*I’ve let go. I’ve accepted that we can never be together again. I’ve forgiven everybody that has "something" to do with "us". I even wished a happy life for all of them. I hope everything will work out for them. Sometimes, I think that I didn’t love him…that what I felt was just a very deep infatuation (romantic love) or just an obsession. Honestly, I still don’t know what I felt and I still feel for him. What I am sure is that my feelings changed. It might have grown (more mature) or it might be gone already. I don’t know. All I know is that I wish him well. I always pray that God will guide him to the right path.

*I know my friends better now. I know who are true. I know who aren’t…I don’t hate them. I just wish that they will feel loved…really loved. Connection? Figure it out! ;)

I’m happy. I’m happy inside. I don’t need to shout, to laugh, to jump for joy…I just need to look you in the eye and pass the happiness that was bestowed on me. This is the best gift I had for this year! Thanks God!

I don’t know what really triggered me to feel this. I just want to thank God for giving him to me for six years. A lot of things happened to me. A lot of horrible and blissful moments took place. A lot of transformations occurred within me. I’m sure he has something to do with it (he may not be aware of it). And I thank God now…I wouldn’t ask for more…I’m giving him back to Him.

magulong sagot ng magulong isipan

Tuesday, July 4th, 2006

Na-struck lang ako sa survey na sinagot ko…hayan,nainspire kuno na naman akong gumawa ng blog entry na feeling ko ay magulo(as usual)…hahaha!

Sino ang nakakapagpasaya sa’yo?

Well, may mga tao namang nagpapasaya sa ibang tao….Oo,nasisiyahan pa rin naman ako sa kanila pero natutunan kong huwag idepende ang kasiyahan sa ibang tao,lalo na kung iisang tao lang.Dapat matutunan mong maging masaya na ikaw lang ang dahilan.Oo,social beings tayo.We need to socialize. Pero kailangan nating maging masaya muna on our own para mapasaya natin ang ibang tao.Pero ulit napapaisip ako kasi ramdam na ramdam ko na karamihan ng masasayang tao ay mga pinakamalungkot na tao sa mundo.Kaya nga ayoko sa clown simula noong bata pa ako eh.Ewan ko,pero feeling ko the "deeper sorrow carves into our being, the more joy we can contain…."

Bakit tayo nagmamahal?

Naniniwala ako na God is love.Kaya kung hindi ka magmamahal, hindi mo makikilala talaga ang Diyos.Isang dahilan iyon.Pangalawa,para mas makilala ang sarili mo."Grabe,kaya ko pa lang magtiis ng ganito katagal!"etc,etc.You’ll discover your "hidden powers".At mare-realize mo na lang natratransform ka na into someone who’s better than the person you were.Pangatlo,para mas makilala mo ang minamahal mo.Paano mo mamahalin ang isang tao kung hindi mo siya kilala ng buong buo?!Pang-apat,para maappreciate ang pain.Naprogram na kasi sa isip natin na pain is not good,it’s bad.Pero pag nagmahal ka,mas maappreciate mo iyong pain.Gaganda ang dating niyon sa iyo.Hindi ka bulag…mature person ka nga kasi you can see something bad in a renewed,positive perspective.Panglima, para maging masaya at batang bata pa rin. ;)

Bakit tayo nasasaktan at naloloko?

Para malaman natin kung paano mahalin at seryosohin.Hindi naman natin maiintindihan ang salitang sakit kung hindi natin alam ang salitang sarap(nararamdaman natin kadalasan kapag nagmamahal).Paano mo masasabing nagmamahal ka kung hindi mo nararamdaman ang sakit?Paano mo malalaman kung alin ang maganda,kung wala kang batayan ng pangit?

Bakit maraming problema ang tao?

Dahil marami din namang sagot sa mga problema.Puzzle lang iyan.Ginulo lahat.Pinaghiwalay.Pero nandoon lahat ng sagot.Hindi lang natin nakikita dahil hindi siya buo.Kailangan nating ayusin lahat para maging okay.Para maging klaro sa atin.

Bakit ka nag-aaral?

Para makakuha ng mataas na grade,para madaling makahanap ng trabaho.Para hindi na maging palamunin,para ako na ang susuporta sa magulang ko at pagpahingain (tama ba?) ko na sila.Para matuto,para may maituro ako sa mga anak ko in time.Para madagdagan ang kaalaman,para makaambag sa mga ideyang nabuo.Para magamit ang utak,para makapaglaro ang isip at maging creative.

Kailan ka huling nagmahal?

Palagi naman akong nagmamahal eh.Hindi iyan tumitigil.God is love nga,hindi ba?He’s the alpha and the omega.Walang end.Kung totoong pag-ibig,hinding hindi titigil.Kung romantic love blah blah blah,fleeting lang.Idealistic kung idealistic.Pero it’s good to be one.Sometimes,I believe that people are using that "idealistic thing" as an excuse to not do things which should be done.Nagawa naman ng ibang tao,naramdaman naman nila.Siguro,everybody is unique lang talaga.A certain concept doesn’t apply to another.Well,may punto na naman.

Hayan,nagsasalita lang ako base sa aking mga pinagdaaanan.Nag-iisip palagi.Pinagaaway ang dalawang bahagi ng utak.Mahirap.Nakakaiyak.Minsan gusto mong patayin ang dalawang boses na iyon.Gusto mong patahimikin.Pero masaya din naman.Nag-eenjoy ka sa paglalakbay mula sa iba’t ibang uri ng perspektibo.Kaya nga nakakabaliw eh!Magulo tulad ng blog ko!Ingat lang…hinay hinay… =)

Nakakabaliw!!!

Sunday, July 2nd, 2006

First–I’m not supposed to be writing this here but hell yeah, I am! I hate this feeling! I’m falling for someone who I know loves someone else and dates someone other than the one he loves…Then, there’s this guy who has a girlfriend and who’s so sweet to me…I had serious talks with these guys…talks about life, about love, about family, about being misunderstood by most…And here I am falling for them!Damn!I’m trying to stop the feeling (falling in love is a choice but true love isn’t) coz I know that it’s not right to pursue it…I’m doing a good job at it so far… =)

i’m so afraid to give someone ‘my all’ again…I promised myself that the next time I’ll do that, I will be sure that it’s worth it…that it will be what romantic people say, "FOREVER". For now, study, study is my game. I want to secure myself a "fall back" in the future…a CAREER. A lost love may come back home…a new love may spring in my heart…I’m sure one of them will happen…not now…IN DUE TIME.

Second–I jogged with love at Ateneo last friday night around 10pm…Take note:it was RAINING! It felt good! Sobra! You can feel the raindrops on your skin while you strike through the cold air…it pretty liberates you from any burden you’re carrying…After a while, we lied down infront of the "spaceship Church"…it was really nice feeling the rain falling on me! Nakakabaliw!