kasiyahan…oo nga, kasiyahan!
Thursday, June 29th, 2006Okay naman ako ngayong araw na ito. Iisa ang class. Sinubukan kung tapusin ang Oliver’s Story ni Erich Segal para maisoli before 12pm pero hindi ko natapos kaya binasa ko siya habang naglalunch ako kasama ang aking mga blockmate. Malungkot ang ending. Siguro ganoon nga talaga. Pero hindi ganoon ang nakikita ko sa karamihan ng mga nakakasalamuha ko eh. Sabagay, iba na ang mga tao ngayon eh. Pinipilit tanggalin ang hindi DAPAT nakasilid sa kaibuturan. Iyong umaayon sa idinidikta ng lipunan, ng kung sino mang dapat daw magdikta na nilalang. Norms ba? Naniniwala na silang kaya nilang kontrolin halos lahat dahil tao nga naman daw sila. Highest form of living things ‘ika nga. Kaya may tinatawag na Psychology eh. Pwede na nating kontrolin iyong emosyon, iyong tao. Sinasabi na rin ng ibang disiplina na choice lahat. Well, logical siya. May punto. Pero iba pa rin iniisip ko, tawagin man nila akong idealistic. Naniniwala pa rin ako na hindi lang ganoon. Na may mas malalim na dahilan. Hindi lang para makaramdam at maghangad at magsettle for any form of happiness. Basta kasiyahan daw (kahit mababaw, basta hindi daw sila malungkot). Ngunit para sundin ang totoong nasa kaloob-looban. Iyong alam ng may-ari na talagang makakapagpasaya sa kanya. Na hindi lang dahil naging komportable ka na kaya ka masaya. Natatakot ka nang iwanan ang nakasanayan mo. Hindi mo nga alam kung mas makakapagpasaya nga iyang mayroon ka kaysa sa wala ka. Pero sabi nga nila…choice. Well, happiness is a choice. Could be…. Scientific happiness? Hahaha (sarcastic)
Talking about happiness, umaayos naman relationship ko with my family. Super umaayos na. Well, mayroon din pa lang kasiyahang malalasap ang ilang taong pagpupumilit at paghihirap para lang I can make it work. Thanks God! First priority done! Studies na…okay naman! Naglalibrary na ako. Nag-aaral. Hindi na pabaya. Iyong nga lang mahihirapan na yata akong bumawi. Sabagay, I deserve it. Paghihirapan ko na lang ulit tulad noong high school.
Bumabalik na naman ang MM dati…Iyong matapang na babaeng haharap sa magulong mundo at mga mapagkunwaring tao. Iyong hindi umiiyak. Iyong gagawin ang lahat. Ibibigay lahat ng mayroon siya. Iyon nga lamang, para sa KANYANG sarili na ngayon. Tama na muna ang para sa IBA. At least, my nagawa na siya para doon. Ginagawa na niya ang hinihingi ng mga taong nakakakilala talaga sa kanya–do things for yourself not for others. Do what makes you happy. Love yourself first. It all starts there.